MAPAMUMURA KA TALAGA

SUMADSAD na sa P58.00 ang US$ 1.00  Kulang ang espasyo ng kolum ko para i-detalye, pero mukhang mas hihirap pa ang mga Pilipino ngayon.  Kulang sa supply ng pagkain, mahal ang pamasahe at gasolina at hindi naman tumataas ang sahod ng manggagawa.

 Dagdag na naman sa  sakit ng ulo naming mga nanay ang pagba-budget sa sweldong iaabot ni mister.   

Idagdag pa dyan ang bayarin ang pagunahing pangangailangan sa bahay tulad ng  kuryente at tubig.   

Kuryente ba ka’nyo! Naikwento ng kaibigan kong nanay ang tungkol sa kuryente nila sa Mindanao. Wala daw tayo sa  kuryente nila doon. Kung mahal daw dito  sa Maynila, mas mahal daw ng presyo ng kuryente ng mga electric coops nila doon.  

 Ang paliwanag daw sa kanila, nagmahal kasi ang diesel at mga coal na gamit ng mga power plants doon.   Maliit lang kasi ang porsyento ng ambag ng hydro at geo-thermal sa kuryente sa Mindanao.

Nito lang nakaraan, binuksan na naman ang usapin sa nuclear power plant.   Binanggit ito ni PBBM sa kanyang SONA.   Giit ng mga taga-suporta ng nuclear energy na mas mura, mas malinis, mas maasahan at de-kaledad ang uri ng kuryente na ibibigay ng nuclear.  At sa makabagong teknolohiya na “modular” na mga planta, mas ligtas daw ito.

Doon na lang tayo sa “mas mura”.   Diskumpyado yata ako dito.

Kung ikukumpara mo nga naman sa presyo ng nuclear energy sa US, Europa at Japan, mas mura talaga ang bawat kilowatt/hour doon.  Pero ang hindi malinaw na sinasabi, napakalaki ng “subsidy” or direktang bayad ng gobyerno sa mga may-ari at operators ng nuclear power plant, kaya ito naging mura.  

Gobyerno ang nagbabayad ng nuclear energy, at hindi ipinapasa sa  consumers o  sa mga ordinaryong mamamayan na gumagamit ng kuryente.   

Mula pagmimina ng uranium, pag proseso o “enrichment” nito, pag-construct ng mga planta hanggang sa pag-gawa at pag-distribute ng kuryente, suportado ng gobyerno.  Tapos, babawasan pa ang mga buwis at bayarin ng may-ari ng nuclear power plant.   

Ibig sabihin, mas mahal talaga ang nuclear energy, pero sinuportahan ng gobyerno ng husto, kaya naging mura.   Kung gagawin din yan dito sa Pilipinas, ibig sabihin, malaking pera ng gobyerno ang ilalagay sa nuclear power plants para maging mura.   

Kung hindi ito gagawin ng gobyerno, mas magiging mahal pa ang kuryente natin.

Mapamumura ka na lang talaga. 



MAPAMUMURA KA TALAGA
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento