Hontiveros sa ERC: ‘Balik bayad, di discount’ sa sobrang singil sa transmission charge

MANILA, Philippines – Iginiit ni Senador Risa Hontiveros na dapat iibalik ang sobrang bayad sa sinisingil na transmission charge, hindi “discount” lamang na ipaiiral ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa consumer.

Sa pahayag, ipinaliwanag ni Hontiveros na hindi dapat magbigay lamang ng discounts ang ERC sa consumer matapos ang planadong reset ng weighted average cost of capital (WACC) para sa transmission wheeling rates.

“Bagkus, dapat magbigay ng refund sa electric consumer dahil sobra ang siningil sa mataas na halaga ng WACC na sumasakop sa ika-apat na regulatory reset period,” ayon kay Hontiveros.

Paliwanag ni Hontiveros: “The WACC is the return a company expects on the money it has put into a business. It is part of what consumers pay each month on their monthly electricity bills.”

“Ilang taon nang sinisingil ang mga power consumers ng higit pa sa kung magkano lang dapat ang ating ibinabayad. Hindi lang dapat discount sa mga susunod na bills ang ibigay sa atin, kundi balik-bayad sa mga taon na hindi nangyari ang reset,” ayon kay Hontiveros.

Naunang ikinagalak ni Hontiveros ang pahayag ng ERC na nagsimula na itong magproseso ng resetting ng transmission wheeling rates na magreresulta sa pagbaba ng transmission fees.

Ngunit, ayon kay Hontiveros, inihayag ng ERC sa ginanap na budget hearing na kapag ipinatupad ang pamamaraan sa reseting ng transmission wheeling rate, hindi ito magbibigay ng refund, kundi discount lamang.

“Ang problema dito sa discount na para bang bibigyan ang mga consumers ng discount samantalang sa totoo lang ay galing naman ito sa sobrang siningil ng NGCP dahil malinaw ang mga kapalpakan ng lumang ERC. Hindi eksakto kung tatawaging “discount”, dahil parang ginigisa lamang ang ating consumers sa sariling mantika. Dapat itong bantayan ng husto ng buong taumbayan, siguruhin na magsimula sa tama dahil ang mga susunod na mga desisyon ay dito natin makikita,” paliwanag niya.

“Paano naman iyong sobra-sobra palang ibinayad ng consumer the past several years, including the past regulatory periods, na hindi nga kaagad na-correct itong excessive na weighted average cost of capital?” tanong ni Hontiveros.

Ikinatuwiran ni Hontiveros na kapag hindi naipatupad ang 4th regulatory reset, ang determinasyon ng judicious amount hinggil sa paghahabol sa naturang yugto ay dapat magiging refund hindi discount sa ilalim ng 5th regulatory reset.

“Napako na sa napakataas na 15% ang WACC rate ng NGCP mula pa noong 2015. At consumers ang pumapasan ng napakabigat na dalahing ito. Nobody should be justly enriched at the expense of another, especially when it is the Filipino people. Let us give to power consumers our due,” ani Hontiveros. Ernie Reyes



Hontiveros sa ERC: ‘Balik bayad, di discount’ sa sobrang singil sa transmission charge
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento