DENR execs pinagalitan ni Cynthia Villar sa Cavite reclamation project: T…ina niyo!

MANILA, Philippines- Matinding galit ang naibubulas ni Senador Cynthia Villar sa isang opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) hinggil sa planong ituloy ang reclamation project sa Cavite na palagi nitong tinutulan dahil lilikha it ng malawakang pagbaha.

Sa kanyang pagdinig sa panukalang P23 bilyong badyet ng DENR para sa 2023, kitang-kita na galit na galit si Villar nang mabigo si Environmental Management Bureau (EMB) director William Cuñado na isa-isahin ang mga lugar sa Cavite na sasakupin ng proyekto.

“T—ina ‘to. Ano ‘yung coastal road? I-enumerate mo anong bayan sa Cavite,” aniya.

Sinabi ni Villar na nasabihan siya ng local na opisyal ng Bacoor, Cavite na hindi na itutuloy ang reclamation project.

Ngunit, sa kabila dito, nagpatuloy si Cuñado sa pagbibigay ng detalye sa sasakupin na 846 ektarya.

Tinanong siya ni Villar kung anong lugar ang sasakupin, pero bigo si Cuñado na masagot ito.

“Ako huwag niyong gagawin sa akin ‘yan. T—ina niyo. Dumating ka dito galing ka sa Cebu, ginulo mo kaming lahat. Ilista mo sa akin ano ‘yang coastal road na ‘yan, hindi namin alam ‘yan,” aniya.

Inakusahan din niya ang DENR nang hindi siya payagang dumalo sa pagdinig hinggil sa deliberasyon ng reclamation project.

Ayon kay Villar, inabisuhan siya ni dating Public Works Secretary Rogelio Singson noong 2015 na wag pumayag sa proyekto dahil magiging sanhi ito ng malawakang pagbaha at makakaapekto sa apat na ilog sa Las Pinas.

Aniya, masyado siyang pasyonado sa bagay na ito dahil tumagal nang ilang dekada ang kanyang ginugol upang linisin ang ilog na maapektuhan ng reclamation project.

“It took me 10 years to clean my river so that there [would] be no flooding, tapos sasarhan niyo daanan ng river ko, ano ba yan. It took me 10 years to do that from 2013 to 2021, 30 kilometers of river,” aniya.

Hinggil naman sa ECC, matagal nang kinansela ang Environmental Compliance Certificate (ECC) para sa proyekto pero muling binuhay ito.

“That is a protected area, legislated protected area, and this is entitled to a buffer zone. Bakit mo ire-reclaim ang buffer ?” tanong niya.

Inihayag naman ni DENR Undersecretary Jonas Leones na ipinalalabas lamang ng ahensiya ang ECC pero ang Philippine Reclamation Authority (PRA) at Office of the President ang magdedesiyon kung itutuloy ang proyekto.

“Basically, ang ginagawa lang po natin ay ECC,” aniya.

Iginiit pa ni Villar na maaaring korapsiyon ang dahilan kung bakit isinusulong ang naturang proyekto.

“I talked to President [Noynoy] Aquino during his time, I talked to President [Rodrigo] Duterte during his time. Hindi alam ng mga presidente ‘yan. Di ba sinabi President [Duterte] ayoko niyang reclamation kasi it’s source of corruption. So yun ang reason, corruption,” aniya.

Sa kanyang bahagi, nangako naman si DENR Secretary Ma. Antonia Yulo Loyzaga na rerebyuhin ng bagong administrasyon ng DENR ang lahat ng reclamation policies sa harap ng mga bagay na ito.

“Under this present administration, we will be looking carefully at the reclamation policy as a whole and we realized there is a need for very strong science because of the implication,” aniya. Ernie Reyes



DENR execs pinagalitan ni Cynthia Villar sa Cavite reclamation project: T…ina niyo!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento