Comelec: Tutol sa postponement ng BSKE
Comelec: Tutol sa postponement ng BSKE, maaring dumulog sa SC

MANILA, Philippines- Maari umanong magpasaklolo o dumulog sa Korte Suprema ang mga tutol sa pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataang Elections (BSKE), sabi ng Commission on Elections.
Sa press briefing, sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na naiintindihan niya ang hinaing ng mga tutol sa postponment ng BSKE ngunit aniya ito ay pirmado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pero giit ni Garcia, lahat naman ng batas ay bukas para kwestyunin.
Aniya, sa perspektibo ng isang law student at mga propesor ng batas, maganda ring malaman ang magiging tugon ng Kataas-taasang hukuman.
Sinabi rin ni Garcia na handa rin sila sakalingaglabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order o TRO hinggil sa nasabing usapin.
Samantala, muling ipinaalala ng Comelec na walang dapat alalahanin ang publiko sa mga election paraphernalias tulad ng mga official ballot at iba pang gamit.
Giit ni Garcia, hindi masasayang ang mga election paraphernalia at mga suplay na gagamitin sa Barangay at SK Election.
Mananatili ang mga election paraphernalia sa warehouse ng Comelec kung saan mahigpit itong babantayan at sisiguraduhing ligtas hanggang sa October 2023 Barangay at SK Election.
Ang pag-iimprenta naman mga balota na ikinakasa sa National Printing Office ay pansamantalang sususpendihin.
Dahil sa mga pagbabago, balak ngayon ng Comelec na ipagpatuloy ang Voter Registration hanggang sa huling linggo sa buwan ng Nobyembre o kaya sa unang linggo ng Disyembre para mas tumaas pa ang bilang ng mga botante. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Comelec: Tutol sa postponement ng BSKE, maaring dumulog sa SC
Source: Filipino Pinoys
Comelec: Tutol sa postponement ng BSKE
maaring dumulog sa SC
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento