Brgy. kagawad patay; P2M shabu nasamsam sa Lanao Sur anti-drug op
Brgy. kagawad patay; P2M shabu nasamsam sa Lanao Sur anti-drug op

ZAMBOANGA CITY – Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit P2 milyong halaga ng iligal na droga at armas kasunod ng sagupaan na nagresulta sa pagkamatay ng high-value drug personality sa Lanao del Sur province, ayon sa opisyal nitong Sabado.
Kinilala ni Col. Richard Verceles, operations chief ng Area Police Command-Western Mindanao, ang napatay na drug personality na si Abuhanan Sultan, 24, na incumbent councilor sa Barangay Limogao, bayan ng Saguiran.
Inilahad niya na naganap ang engkwentro bandang alas-3 ng hapon nitong Huwebes sa chokepoint na itinalaga ng joint police at military troopers sa Barangay Mipaga, Saguiran, Lanao del Sur. Ikinasa ang chokepoint matapos maiulat ng Marawi City police na tinutugis nila ang apat na hinihinalang drug personalities na tumakas sa Saguiaran.
Base kay Verceles, tumakas ang mga kasamahan ni Sultan na sina Omar Macabago, isang nagngangalang Nadir, at isang Arab, nang makitang bumagsak si Sultan sa engkwentro.
Narekober ng mga pulis mula kay Sultan ang halos 300 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2.04 milyon, isang .45-caliber pistol, anim na empty shells, at isang broken glass tooter.
Inilahad pa ni Verceles na gumugulong na ang manhunt operations upang mahuli ang tatlong nakatakas na suspek, at sasampahan sila ng kaukulang kaso. RNT/SA
Brgy. kagawad patay; P2M shabu nasamsam sa Lanao Sur anti-drug op
Source: Filipino Pinoys
Brgy. kagawad patay; P2M shabu nasamsam sa Lanao Sur anti-drug op
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento