2 surfing event bubuhay sa Siargao
2 surfing event bubuhay sa Siargao

MANILA, Philippines — Inaasahang bubuhay muli sa sigla ng surfing, ekonomiya, turismo at sports scene sa Siargao ang nakatakdang dalawang surfing tournaments.
Ayon kay General Luna Mayor Sol Matugas gaganapin ang unang Mayor Sol National Surfing Competition at ang International Surfing Cup.
Gaganapin ang national competition mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 1 habang ang internasyonal na paligsahan ay gaganapin mula Oktubre 15 hanggang 21.
“Ang Mayor Sol’s Cup na sinanction ng United Philippine Surfing Association (UPSA), ay magiging qualifying event para sa 26th International Surfing Cup,” ani Matugas.
Huling ginanap ang competitive surfing competitions sa Siargao ay noong International Surfing Cup na ginanap noong huling bahagi ng 2019, ilang buwan bago tumama ang COVID-19 pandemic.
Ang Mayor Sol Cup ay magiging feeder sa 2022 World Surfing League international event.
Nakataya ang kabuuang P1.5 milyong halaga na papremyo ang naghihintay sa mga mananalo sa Mayor Sol’s Cup, na lalahukan ng humigit-kumulang 200 professional surfers mula sa Siargao Island at iba pang bahagi ng bansa.
Samantala, 64 na kalalakihan at 40 kababaihang propesyonal na surfers ang nangakong sasali sa internasyonal na torneo sa Oktubre.
Ayon sa ulat, ang 26th Siargao International Surfing Cup ay magsisilbi ring venue ng First International Women Surfing Competition.
Ayon sa organizer, pinagsama sama nila ang $110,000 para sa mga premyo ng mga nanalo pati na rin ang mga suweldo ng mga hurado at iba pang gastusin.JC
2 surfing event bubuhay sa Siargao
Source: Filipino Pinoys
2 surfing event bubuhay sa Siargao
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento