kalaguyong kagawad
Misis, kalaguyong kagawad, tiklo

CAUAYAN CITY, ISABELA-Posibleng mahaharap sa kasong Adultery ang isang misis at kalaguyong Barangay Kagawad matapos ipaaresto ng mister na naaktuhan magkasama sa isang bahay sa Brgy. Minante 2, Cauayan City, Isabela.
Pansamantala itinago sa pangalang “Marie”, 32 anyos, residente ng Marabulig 1, Cauayan City, Isabela at kalaguyo nitong Kagawad na itinago sa pangalang si Mar, 63 anyos, byudo at residente ng Purok 2, Brgy. Minante 2, Cauayan City.
Una rito, nagtungo sa himpilan ng pulisya ang biktima na pansamantala itinago sa pangalang Dan, 32 anyos, construction worker, residente ng Brgy Marabulig 1, Cauayan City kasama ang nanay at kapatid para humingi ng tulong kaugnay sa panloloko ng kanyang misis na kasama na umano nito sa kanyang inuupahang pabahay ang nasabing barangay opisyal.
Kung saan ay humingi ng tulong ang biktima sa mga kasapi ng Cauayan City Police Station para punrahan sa tinutuluyang bahay ng suspek at nakumpirma nga na magkasama ang misis ng biktima at kalaguyo nito.
Matagal na umanong may relasyon ang dalawa subalit ngayon lamang naaktuhan na magkasama sa isang bahay.
Dahil dito, binigyan sila ng counter affidavit para ipagtanggol ang kanilang mga sarili sa loob ng sampung araw. Rey Velasco
Misis, kalaguyong kagawad, tiklo
Source: Filipino Pinoys
kalaguyong kagawad
Misis
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
tiklo
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento