Kaso ng leptospirosis sa bansa tumaas pa
Kaso ng leptospirosis sa bansa tumaas pa

MANILA, Philippines – Tumaas pa ang bilang ng tinatamaan ng sakit na leptospirosis sa bansa batay sa National Leptospirosis Data noong Agosto 27, 2022.
Ayon sa datos, mayroon nang
1,770 leptospirosis cases na iniulat mula Enero 1 hanggang Agosto 27.
Sa kabuuan, ang kaso ng naturang sakit ngayong taon ay 36% na mas mataas kumpara sa kaparehong panahon noong 2021 na mayroon lamang 1,299.
Karamihan sa naitalang kaso ng leptospirosis ay mula sa :
NCR (378, 21%)
Region VI (210, 12%)
Region II (195, 11%)
Sa nagdaang panahon mula Hulyo hanggang Agosto 27,2022, kung saan 327 kaso ang naitala, parehong rehiyon ang may pinakamataas na bilang ng kaso maliban sa Region XI ay ang NCR, 112 (34%); Region XI, 31 (9%); Region VI, 29 (9%).
Nalagpasan naman ng Regions II, V, VII, VIII, XI, at CAR ang alert at epidemic threshold sa nagdaang apat na morbidity weeks mula Hulyo 31 hanggang Agosto 27.
Gayunman, walang clustering ang iniulat sa buong bansa.
Ayon pa sa DOH, mayroong 244 deaths na iniulat kung saan ang fatality rate ay 13.8%. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Kaso ng leptospirosis sa bansa tumaas pa
Source: Filipino Pinoys
Kaso ng leptospirosis sa bansa tumaas pa
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento