Gov’t employees sa Maguindanao naghahanda na sa paghahati ng probinsiya

MAGUINDANAO – Pinaghahandaan na ng mga empleyado ng lokal na pamahalaan ng Maguindanao ang isasagawang 2-buwang transition period sa paghahati ng probinsiya.

Matatandaan na idineklarang wagi sa isinagawang plebisito ang botong pabor sa paghahati ng Maguindanao sa dalawang lalawigan.

Bago pa ang plebisito, inalam na mismo ng lokal na pamahalaan kung sino-sino sa mga nagtatrabaho sa kapitolyo ang lilipat sa bagong kapitolyo na itatatag sa Datu Odin Sinsuat bilang Maguindanao del Norte.

Sa pahayag ni Monina Macarongon, human resources officer ng Kapitolyo, mayroong 197 na mga empleyadong pinili na lumipat sa Maguindanao del Norte.

189 naman sa mga empleyado ang maiiwan sa Buluan o Maguindanao del Sur.

Sa kabila nito, mayroon pang nasa 30 empleyado ang hindi pa nakakapagdesisyon kung lilipat ba o hindi. RNT/JGC



Gov’t employees sa Maguindanao naghahanda na sa paghahati ng probinsiya
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento