Tropical depression papasok ng PAR, Martes – PAGASA

MANILA, Philippines – Posibleng pumasok ng Philippine Area of Responsibility ang binabantayang bagyo o tropical depression sa Martes, Disyembre 14, ayon sa PAGASA.

Sa tala ng weather bureau, namataan ang nasabing tropical depression sa layong 1,900 km east ng Mindanao; may bitbit itong 55 km/h lakas ng hangin at bugsong aabot sa 70 km/h.

Tinatahak ng tropical depression ang direksyong pa-west northwestward sa bilis na 20 km/h.

Kapag nakapasok na ng PAR, tatawagin ito ng PAGASA na bagyong “Odette”.

Ibinabala pa ng PAGASA na maaaring itaas ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 4.

Samantala, ang Bicol Region, Eastern Visayas, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Aklan, Capiz, Dinagat, at Surigao provinces ay inaasahang makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat bunsod ng shear line.

May dala namang mahinang pag-ulan ang amihan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Ifugao, Mt. Province, at Aurora.

Habang ang Metro Manila, Ilocos Region, Central Luzon, at nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region at Calabarzon ay makararanas ng isolated rain bunsod pa rin ng amihan. RNT



Tropical depression papasok ng PAR, Martes – PAGASA
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento