haharap sa kasong pangongopya!
Taylor Swift, haharap sa kasong pangongopya!

Los Angeles, California – Kailangang humarap si Taylor Swift sa isang paglilitis para sa umano’y pangongopya n’ya ng mga titik (lyrics) ng isa sa naging hit songs n’ya nu’ng 2014, ang “Shake It Off.”
‘Yan ang naging pasya ng isang hukom (judge) sa California nu’ng Huwebes (sa Amerika). Hindi inaprubahan ni US Distrct Judge Michael Fittsgerald ang giit ni Tayor na walang kinalaman ang mga titik ng kanta nito sa lyrics ng Playas Gon Play ng all rhythm-and-blues na 3LW.
Fitzgerald said, “there were some noticeable differences between the songs but also enough objective similarities that the case should go to trial by jury.”
Ayon pa sa hukom, “Although the Defense have made a strong closing arguments for a jury, they have not shown that there are no genuine issues of triable fact.”
Wala pang comment ang spokesperson ni Taylor sa bagong development na ito. Pero nu’ng 2017, sinabi ng mga representative ng super pop idol na “ridiculous” ang akusasyon kay Taylor at walang ibang kahulugan kundi isang “money grab” (o pagtatangkang kuwartahan lang si Taylor).
Sa “Shake It Off,” ang lyrics ni Swift ay: “the players gonna play, play, play, play, play, and the haters gonna hate, hate, hate, hate, hate.”
Sa “Playas Gon’ Play,” na isinulat nina Sean Hall at Nathan Butler, may mga salitang “players, they gonna play, and haters, they gonna hate.”
Ayon kina Hall at Butler “the combination of playas or players with hatas or haters was unique to to its use in their song.”
The pair are seeking unspecified damages. Actually, ibinasura na ang kaso nila nu’ng 2018, pero nag-apela sila kaya nabuhay uli ang kaso.
Ang mga detalye sa ulat na ito ay nagbuhat sa international news agency na Reuters. Danny Vibas
Taylor Swift, haharap sa kasong pangongopya!
Source: Filipino Pinoys
haharap sa kasong pangongopya!
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
Taylor Swift
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento