Philippines news
SAFETY OFFICERS, SAFETY & HEALTH COMMITTEE SA ISKUL KAILANGAN

NAGSIMULA na kamakailan ang face-to-face pilot classes sa pagtutulungan ng Department of Education at Department of Health.
Nakatutok ang dalawang kagawaran sa kaligtasan ng mga mag-aaral sa kinder hanggang Grade 3 mula sa 120 eskuwelahang lumahok sa programa.
Saludo tayo sa mga nag-organisa dahil sa kabila ng mababang kaso ng COVID-19 sa pinagdarausang lugar ng pilot classes, tiniyak pa rin nilang ipatupad ang mga panuntunang kinakailangan upang maging ligtas ang mga bata mula sa panganib ng virus.
Masasabi nating maganda at epektibo ang ganitong simulain kung magiging consistent ang eskuwelahan sa pagpapatupad at pagpapaalala ng mga health protocol sa mga estudyante.
Mas makabubuti rin kung may sapat na bilang ng safety officer na magsisilbing gabay at kaakibat ng mga principal at guro hindi lamang sa usaping pag-iwas sa COVID-19 kundi pati na rin sa pag-iwas sa aksidente.
Makapagbibigay ng suhestyon ang isang safety officer tungkol sa mga programang pangkaligtasan at pangkalusugan base sa angkop na pamantayan para sa proteksyon ng mga empleyado at estudyante ng eskuwelahan.
Sa pamamagitan niya, maaaring mabuo ang isang safety and health committee na magbabalangkas at mag-aapruba ng polisiyang dapat sundin tulad ng safety and health program. Makabubuti rin kung may kinatawan sa komite mula sa grupo ng mga magulang upang mas maging mabisa at katanggap-tanggap ang ipatutupad na safety and health program para sa eskuwelahan.
Maaaring gawing basehan ang mga umiiral na pamantayan sa safety and health upang magawa ang mga ito.
oOo
Ipinaabot natin ang pagbati sa mga empleyado ng Department of Labor and Employment sa pagdiriwang ng kanilang ika-88 na anibersaryo gayundin sa mga kawani ng Occupational Safety and Health Center para naman sa ika-34 na anibersaryo.
Maligayang kaarawan din kina Alvin Alcesto at Agerico Soriano.
Mabuhay po kayong lahat.
SAFETY OFFICERS, SAFETY & HEALTH COMMITTEE SA ISKUL KAILANGAN
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
SAFETY & HEALTH COMMITTEE SA ISKUL KAILANGAN
SAFETY OFFICERS
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento