P1.5M ecstasy nasabat sa NAIA
P1.5M ecstasy nasabat sa NAIA

Manila, Philippines – Nasabat ng mga operatiba ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ang 9,160 piraso ng party drugs o ecstasy na nagkakahalaga ng P15,572,000.00 sa interdiction operation mula sa tatlong air parcels sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa NAIA Complex kaninang umaga, Disyembre 16, 2021.
Napag-alaman na ang mga parsela sa pamamagitan ng K-9 sweeping at X-ray scanning na nagresulta sa pagbawi ng mga nasabing parcels na naglalaman ng pitong lady hand bags.
Dahil dito, nagsagawa pa ng masusing inspeksyon ang mga awtoridad na naging sanhi sa pagtuklas ng kabuuang labing-anim (16) na improvised na pouch, na naglalaman ng maraming, kulay na mga tableta ng ecstasy sa loob ng mga hand bag.
Lumalabas na ang mga nasabing parsel ay idineklarang mga regalo ipinadala mula sa Netherlands.
Ang mga sample ng ecstasy ay isinailalim sa field test at chemical analysis na nagbubunga ng positibong resulta para sa Ecstasy o MDMA.
Ang mga pebidensya ay itinurn-over sa PDEA Laboratory Service para sa karagdagang case profiling at build up laban sa mga taong responsable sa pagpapadala at pag-import ng naturang illegal na droga.
Samantala, nangako naman si Director III Christian O Frivaldo, Task Group Commander na patuloy na magiging mas mapagbantay laban sa iba’t ibang uri at paraan ng pagtatago ng iligal na droga sa pamamagitan ng pinahusay na mga diskarte sa profiling ngayong kapaskuhan. Jan Sinocruz
P1.5M ecstasy nasabat sa NAIA
Source: Filipino Pinoys
P1.5M ecstasy nasabat sa NAIA
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento