NorthPort nganga vs Ginebra

 MANILA, Philippines – Tambak ang inabot ng NorthPort Batang Pier sa Barangay Ginebra, 108-82, sa 2021 PBA Governors’ Cup sa larong ginanap sa Araneta Coliseum, Biyernes ng gabi.

Nanguna sa panalo si resident import Justin Brownlee para sa Ginebra, na pumoste ng 28 puntos, siyam na rebound, anim na assist, isang steal, at isang block para itala ang kanilang ikalawang sunod na panalo para sa 2-0 kartada.

Bumida rin sa panalo si Arvin Tolentino na rumehistro ng career-high na 16 markers habang ang beteranong guard na si LA Tenorio ay umiskor ng 14 puntos.

 Nasayang naman ang career-high 32-point performance ni Robert Bolick sa naging pagkatalo kontra sa crowd favorite na Ginebra.

Bukod sa kanyang output, naglista rin ang dating NCAA standout ng pitong rebounds, anim na assists, at tatlong steals sa pagkatalo.

Muling sasabak sa laro ang Ginebra sa Linggo kontra sa Phoenix Super LPG sa ganap na 5:30 p.m. ng hapon.JC



NorthPort nganga vs Ginebra
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento