LABAN KO ANG LABAN N’YO – ELEAZAR

Kung may isang police general na maituturing na ‘certified’ and ‘accomplished’ public servant, ito’y walang iba kundi ang kareretirong hepe ng Philippine National Police  – si Gen. Guillermo Lorenzo  ‘Guilor’ Eleazar.

Ang kakaibang estilo ng pamamahala na hindi nakita sa nakaraang PNP chiefs  ang naging alas ni Gen. Eleazar para mapamahal sa  kanya ang milyones na Juan at Maria na saksi sa maayos niyang paglilingkod bayan.

Hindi maitatatwa ang mga naging kontribusyon ni Gen. Eleazar sa pulisya dahil sa maiksing panahon lamang ng kanyang panunungkulan ay nagkaroon ng malaking pagbabago ang police organization.

Sa matagal na panahon ang PNP ay kinukutya dahil sa mga negatibong isyu, subalit muling kuminis ang imahe nito dahil sa pagsasakatuparan ni Gen. Eleazar ng iba’t ibang reform program sa kapulisan.

Bago ang retirement date ni Gen. Eleazar, lumabas ang isang survey na naghayag na tumaas ang trust rating ng Pambanang Kapulisan – ibig sabihin muling nagbabalik ang tiwala ng taumbayan sa PNP.

Marami ang naisakatuparang direktiba at reporma si Gen. Eleazar na naging dahilan para muling magbalik ang tiwala ng tao sa PNP ay ang matigas at matapang na pagpapairal niya ng batas.

Kay Gen. Eleazar,  ang mali ay mali – mayaman ka man, opisyal ka ng pamahalaan o mahirap kang  mamamayan, batas  ang  kailangan na masunod. Pantay-pantay lahat para sa butihing heneral.

Sa kanyang panahon, maraming abusadong pulis – opisyal man o patrolman – ang kinasuhan, tinanggal sa serbisyo o ikinulong. Kumbaga, nilinis ni Gen. Eleazar ang PNP sa mga sira-ulong miyembro at kailangan na ipagpatuloy ng mga susunod na  hepe.

Sa kabilang banda, naniniwala tayo na malaki ang maitutulong ni Gen. Eleazar sa tuloy tuloy na pagtaas ng trust rating ng PNP sa pamamagitan ng mga batas na isusulong kapag ito ay palaring maging senador.

Kailangan ng bawa’t Juan at Maria si Gen. Guilor Eleazar na subok nang lingkod bayan – rumirespeto sa batas at kilalang tagapagtanggol ng mga mahihirap na karaniwa’y   nagiging alipin at laruan ng batas .

Dahil ang laban ko’t laban n’yo ay laban ni Gen Eleazar.



LABAN KO ANG LABAN N’YO – ELEAZAR
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento