Kahalagahan ng int’l support sa WPS tension, iginiit ng Pinas sa G7

MANILA, Philippines – Nananatiling “serious concern” ang matinding tensyon sa West Philippine Sea.

Binigyang diin ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang madaliang pagbalangkas ng Code of Conduct (COC) sa rehiyon.

Inihayag ito ng Kalihim sa idinaos na pagpupulong kasama ang mga ministers ng Group of Seven (G7) at Association of Southeast Asian Nations (Asean) in Liverpool, United Kingdom

Sinabi ni Locsin Jr. na ang UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at 2016 Arbitral Award ay nananatiling “twin anchors” ng posisyon at aktibidad ng Maynila sa pinagtatalunang katubigan.

“We will not raise anchor and drift or sail away from them. We value your support,” ayon may Locsin sa December 12 meeting.

“China can claim what it wants and say what it wants but it cannot do anything it pleases without blowback from the Philippines” giit pa ng top diplomat ng bansa.

Matatandaang, noong Nobyembre 16, hinarang ng Chinese Coast Guard at pinaulanan ng water cannons ang dalawang Philippine boats na magdadala ng suplay sa military personnel ng BRP Sierra Madre sa Ayungin (Second Thomas) Shoal.

“I have told the Chinese Ambassador (Huang Xilian) that no one can prevent us from doing what we have to lawfully do within the West Philippine Sea, an area where we have sovereign rights by international laws,” ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana.

Inaasahan naman na ang COC ay magiging regional framework na magtatatag ng rules and standards para sa kapayapaan at katatagan sa gitna ng maritime row sa South China Sea.

Ang G7 ay isang inter-governmental political forum na binubuo ng Canada, France, Germany, Italy, Japan, United Kingdom, at Estados Unidos. Kris Jose



Kahalagahan ng int’l support sa WPS tension, iginiit ng Pinas sa G7
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento