Donasyong 1.5M J&J vaccine dumating sa Pinas

MANILA, Philippines – Natanggap ng Pilipinas ang donasyong 1,526,400 doses ng Janssen COVID-19 vaccines mula sa Dutch government sa pamamagitan ng COVAX facility, Lunes ng gabi.

Lumapag ang nasabing donasyon sa Ninoy Aquino  International Airport Terminal 3.

Sa pahayag ng embahada ng Kingdom of The Netherlands sa Manila, ang nasabing delivery ay parte ng 7.5 million Janssen COVID-19 jabs ng ibibigay ng bansa.

“This donation is part of the joint solidarity effort of the European Union and its member states to provide at least 100 million vaccine doses worldwide by the end of 2021 to countries in need,” ayon sa pahayag.

Sa tala ng National Task Force against COVID-19, nakatanggap na ang Pilipinas ng 158,540,170 doses ng COVID-19 vaccines mula sa iba’t ibang manufacturers, binili man ito o donasyon.

Hanggang nitong Disyembre 13, aabot na sa 41 milyong Pinoy ang kumpletong bakunado, ito ay 53.20% ng adult population ng bansa. RNT



Donasyong 1.5M J&J vaccine dumating sa Pinas
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento