Bumagsak na aircraft sa Palawan nareskyu ng PCG

MANILA, Philippines- Matagumpay na na-rescue ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang piloto ng isang aircraft matapos itong bumagsak sa karagatan na sakop ng Barangay Tinegueban, EL Nido, Palawan, Biyernes ng hapon.

Base sa inisyal na impormasyon mula sa Philippine Air Force (PAF), ang bumagsak na  aircraft  RPC979, CESSNA 206 type private plane ay pag-aari ng  Aerohub.

Ayon sa ulat ng PCG, umalis ang aircraft sa San Vicente Airport sa Palawan pasado ala-1 ng hapon  patungong  Sangley Point Airport sa Cavite sakay ang  mga buhay na isda bilang kanilang kargo nang mamatayan ng engine sa bahagi naman ng Barangay Tinegueban.

Nang matanggap ang ulat, agad na nagpadala ang PCG District Palawan ng  search and rescue (SAR) team kung saan naispatan sa baybayin ang palutang-lutang na aircraft malapit sa  Duli Beach sa El Nido, Palawan pasado alas-3 ng hapon.

Tumulong rin sa operasyon ang BRP Capones (MRRV-4404) matapos ipag-utos ni PCG District Palawan Commander, CG Captain Angel Z Viliran. Jocelyn Tabangcura-Domenden



Bumagsak na aircraft sa Palawan nareskyu ng PCG
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento