11 anyos patay, sanggol sugatan sa sunog sa Taguig

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang 11-anyos na batang babae, habang sugatan ang isang walong-buwang sanggol sa sunog na sumiklab sa Taguig, ayon sa the Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR).

Saad sa ulat ng BFP na sumiklab ang sunog sa J. Ramos Street Barangay Ibayo Tipas bandang hapon.

Umabot sa unang alarma ang sunog na tumagal ng isang oras.

Nasa 23 fire truck ang nagtulong-tulong para maapula ang apoy bandang 12:55 ng hapon, dagdag pa ng BFP.

Nasawi sa sunog ang isang 11-anyos na batang babae na hindi na pinangalanan, habang nasa 1st o 2nd degree burn ang natamo naman ng walong buwang sanggol.

Base sa pagtataya ng BFP, aabot sa P150,000 ang halaga ng danyos sa sunog, habang 10 pamilya ang magpapaskong walang tirahan.

Patuoy na sinisiyasat ng awtoridad ang sanhi ng sunog. RNT

 

 



11 anyos patay, sanggol sugatan sa sunog sa Taguig
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento