Omicron ‘di pa natutukoy pero pwedeng nasa Pinas na — PCG
Omicron ‘di pa natutukoy pero pwedeng nasa Pinas na — PCG

Manila, Philippines – Wala pang natutukoy na Omicron variant ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine Genome Center (PGC).
“So far wala pa tayong na-detect na Omicron from the 18,000 [samples] na nai-sequence natin,” saad ni PGC Executive Director Cynthia Saloma sa Laging Handa public briefing.
Posible man aniya na makapasok ito sa border ng Pilipinas ngunit sa ngayon ay tinututukan na.
“The possibility exists pero until such time meron tayong whole genome sequence hindi natin masasabi ‘yan,” lahad pa ni Saloma.
Sinabi rin ng opisyal ng PGC na nanawagan na sila sa lokal na pamahalaan na magsumite ng kanilang samples sa mga laboratory oras na umakyat ang bilang ng kaso ng COVID sa lugar.
“And we are always ready to sequence them.”
“Sinasabi namin, ‘it’s not a question of if, it is just a question of when’ kaya kailangan maghanda at mga healthcare facilities ma-improve natin,” dagdag pa rito. RNT/FGDC
Omicron ‘di pa natutukoy pero pwedeng nasa Pinas na — PCG
Source: Filipino Pinoys
Omicron ‘di pa natutukoy pero pwedeng nasa Pinas na — PCG
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento