Inbound flights galing Hong Kong pwede pa rin; desisyon ng IATF wala pa

MANILA, Philippines- Nilinaw ng National Task Force Against COVID-19 nitong Linggo na pinapayagan pa rin ang inbound flights galing Hong Kong, habang wala pang inilalabas na desisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF-EID) for the Management of Emerging Infectious Diseases ukol dito.

Hindi kabilang ang Hong Kong sa mga bansa na pansamantalang sinuspinde ng Pilipinas ang inbound flights sanhi ng bagong coronavirus variant mula South Africa na tinatawag na Omicron.

Sinabi ng NTF na hinihintay pa nito ang desisyon ng IATF sa rekomendasyon na isama ang Hong Kong sa travel ban.

Nitong Biyernes, idineklara ng World Health Organization (WHO) na variant of concern ang Omicron variant, na unang natuklasan sa South Africa.

Ang naunang ulat ng kaso ng Omicron sa Hong Kong ang nag-udyok sa Philippine Department of Health (DOH) na ipagbawal ang pagpasok ng mga biyahero galing sa Hong Kong sa bansa.

“Until a formal announcement from the IATF is made, HK flights will still be allowed. We apologize for inconveniences that an earlier pronouncement may have caused,” ayon sa NTF.

Nauna nang ianunsyo ni NTF spokesperson Restituto Padilla Jr. sa isang panayam na kabilang na ang Hong Kong sa listahan ng mga bansang may travel ban patungo sa Pilipinas.

“The government through favorable recommendations of the Department of Health (DOH) will work to ensure timely adoption of preemptive measures to prevent or delay the entry of new variants which have the potential for undermining public health,” dagdag pa ng NTF. RNT/SA



Inbound flights galing Hong Kong pwede pa rin; desisyon ng IATF wala pa
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento