PDP-Laban-PDDS-Lakas-CMD coalition tinanggihan ni Digong

Manila, Philippines – Tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang koalisyon o pagsasanib ng Partido Demokratiko Pilipino – Lakas ng Bayan (PDP-Laban), Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan and Lakas (PDDS), at Lakas – Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD).

Sa isang pulong kasama ang mga Oriental Mindoro leaders sa Calapan City, araw ng Biyernes, Nobyembre 19, sinabi ng Pangulo na hindi niya papayagan ang PDP-Laban at PDDS na makipag-alyansa sa Lakas-CMD dahil kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ang Pangulo, chairman ng PDP-Laban ay tumatakbo sa pagka-senador sa ilalim ng PDDS ay nagpahayag na hindi niya susuportahan si Marcos dahil sa “weak” personality nito.

Ang PDDS ay allied party ng ruling PDP-Laban.

“No, I cannot because nandiyan si Marcos,” ayon sa Pangulo sabay sabing “Hindi ako bilib sa kanya . He is really a weak leader. Totoo ‘yan. Hindi ako naninira ng tao. Talagang weak kasi spoiled child,” ayon sa Pangulo sa kanyang naging talumpati.

Sa kanilang dako, tumatayo namang chairman ng Lakas-CMD ang anak ng Pangulo na Davao City Mayor Sara Duterte, tumatakbo bilang bise-presidente kasama si Marcos ng Partido Federal ng Pilipinas bilang running mate nito.

Samantala, nilinaw ng Pangulo na nananatili siyang bahagi ng PDP-Laban sa kabila ng kanyang desisyon na tumakbo sa pagka-senador sa ilalim ng PDDS.

“I will not abandon the party, whose members helped me in my program of governance. I appreciate the loyalty and support of my party mates and will not waver in my commitment to them. I will continue to serve and be of service to PDP-Laban in my capacity as chairman and as member of the Council of Elders.”

Aniya, ang kanyang desisyon na tumakbo sa pagka-senador sa ilalim ng PDDS ay isang political strategy.

“I will campaign as a PDP-Laban member and will do the same for our local candidates who have remained loyal to the party and its principles,” ayon sa Pangulo sabay sabing “I assure the members of the PDP-Laban and PDDS are one. We campaign as one and we will work as one.” Kris Jose



PDP-Laban-PDDS-Lakas-CMD coalition tinanggihan ni Digong
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento