Dagdag honoraria sa mga guro sa Halalan 2022 hirit ng DepEd
Dagdag honoraria sa mga guro sa Halalan 2022 hirit ng DepEd

MANILA, Philippines- Isinusulong ng Department of Education (DepEd) ang mas mataas na honoraria para sa mga guro na magsisilbing poll workers sa 2022 national at local elections.
Ito ay kasunod ng paglabas ng Commission on Elections (Comelec) ng Resolution No. 10727 kung saan nakasaad ang honoraria sa mga guro na maglilingkod sa eleksyon. Sa ilalim ng resolusyon, makatatanggap ang chairperson ng election board (EB) ng P7,000, P6,000 naman para sa mga miyembro ng EB, makakakuha naman ang Department of Education supervisor official ng P5,000, at support staff at medical personnel ng P3,000.
“Although it is less than our proposed increase for our teachers who will serve as poll workers, we appreciate the adjusted rates, and we will coordinate with Comelec for possible increase of the honoraria and other allowances and benefits,” ani Education Secretary Leonor Briones sa ipinadalang email nitong Biyernes.
Hindi naman siya nagbigay ng ibang detalye ukol sa suhestiyon na karagdagang bayad.
Mas mababa ito sa napagkasunduan ng DepEd at ng Comelec noong Hunyo: P9,000 para sa chairpersons, P8,000 para sa education board members, P7,000 para sa DepEd supervisor officials, at P5,000 para sa support staff.
Sa iallim ng bagong Comelec resolution, bibigyan ng travel allowance na P2,000 ang EB chairperson, members, DESO, at kanilang staff.
Mayroon ding P1,500 communication allowance ang DESO at technical support staff, habang makatatanggap naman ng P500 ang EB, DESO, at kanilang team, bilang anti-COVID-19 allowance.
Gaganapin ang national at local elections sa Mayo 9, 2022, mula alas-6 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi. RNT/SA
Dagdag honoraria sa mga guro sa Halalan 2022 hirit ng DepEd
Source: Filipino Pinoys
Dagdag honoraria sa mga guro sa Halalan 2022 hirit ng DepEd
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento