Chavit sa Narvacan residents na ayaw magpabakuna: ‘Di kayo makalalabas ng barangay

Manila, Philippines – Nagbabala si League of Municipalities of the Philippines President at Narvacan, Ilocos Sur Mayor Luis “Chavit” Singson sa mga hindi pa bakunadong residente kung hindi pa sila magpapabakuna laban sa COVID.

“‘Yung mga nagtatago kung ayaw, sabi namin hindi na sila makakapunta sa bayan pa o hindi na sila makalabas sa barangay, kung ayaw nilang magpabakuna. Lahat ‘yon pang-counter namin sa ibang paniwala na ayaw pabakuna,” saad ni Singson sa  Laging Handa briefing.

“Pero meron naman, nakukumbinsi naman silang lahat na magpabakuna.”

Nagsasagawa na rin aniya ang mga opisyal ng house-to-house visit sa barangay upang pakiusapan na magpabakuna na ang mga residente.

“Information ang importante riyan sa ating mga kababayan na mas magandang mabakunahan, kasi kung tamaan sila grabe na. ‘Pag nabakunahan sila tapos tinamaan sila, mas makakaligtas sila.”  RNT/FGDC



Chavit sa Narvacan residents na ayaw magpabakuna: ‘Di kayo makalalabas ng barangay
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento