Pagbaba ng Alert Level 1 sa NCR nakadepende sa metrics — DOH

Manila, Philippines – Ibabase sa metrics ang pagbaba ng alert level 1 sa National Capital Region (NCR), batay sa Department of Health (DOH).

“Ang alert level metrics natin para sa Alert Level 1, kailangang maoserbahan nating maigi. Ang low risk [classification] ng NCR ay kailangang ma-sustain natin ng dalawang incubation period, obserbahan natin,” saad ni health undersecretary Maria Rosario Vergeire sa Laging Handa briefing.

“Always remember ‘yung mobility at saka ‘yung pagsunod sa minimum public health standards, at response ng local government will matter a lot.”

“We remind everybody, magtulong-tulong po tayo para masustena natin itong low risk o mababang mga kaso so that we can eventually be deescalated to Alert Level 1.”

Kaugnay ang naturang pahayag dahil sa panawagan ng ilang pribadong sektor sa gobyerno na ibaba sa Alert Level 1 ang NCR bago sumapit ang Pasko. RNT/FGDC



Pagbaba ng Alert Level 1 sa NCR nakadepende sa metrics — DOH
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento