WATER CHALLENGE FORUM SERIES 2021

ANG National Water Resources Board (NWRB), na kinakatawan ni Engr. Susan P. Abano, NWRB Policy and Program Division Chief ay nakibahagi sa Water Challenge Forum Series 2021 noong ika-19 ng Oktubre 2021.

Tinalakay ni Engr. Susan Abano ang kalagayan ng tubig sa Pilipinas at ang ginagawang pagsisikap ng NWRB upang mapanatili ang kalagayan ng yamang tubig ng bansa.

Kabilang sa mga programang pinag-usapan sa forum ay ang groundwater management plans sa mga water-scarce area, comprehensive water resources assessment sa major river basins, dam monitoring at ang pinakahulinng tinatalakay na water security roadmap.

Ang nabanggit na kaganapan may temang “Building Partnership to Achieve Water Security” ay inorganisa ng European Chamber of Commerce of the Philippines (ECCP).

Kabilang sa iba pang guest speakers at panelists ang National Economic Development Authority (NEDA) Assistant Secretary Roderick M. Planta, Manila Water President and CEO Mr. Jose Victor Emmanuel A. De Dios, FutureWater Asia CEO Mr. Ramon B. Alikpala at Philippine Water Partnership Chairperson Mr. Chris Ilagan.

-ooOoo-

BIR LILIKHA NG SPECIAL TASK FORCE PARA SA MGA SOCIAL MEDIA INFLUENCER

 IPINAG-UTOS ni Bureau of Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay sa lahat ng revenue offices sa bansa ang paglikha ng isang STF o special task force na magmo-monitor at magberipika ng tax compliance ng mga social media influencer, online merchant at iba pang operating digital platform.

Ayon sa BIR, bagamat ang transaksyon ay ginagawa sa pamamagitan ng Facebook, Instagram, YouTube, Airbnb, Lazada, Shopee at iba, hindi nangangahulugan ito na “tax exempt” na sila sa kanilang tax obligations.

Kailangan umanong magparehistro, magbayad ng kanilang tax returns at iba pang taxes ang mga kumikita sa paggamit ng social media at internet.

Dito papasok ang special task force para masiguro na sumusunod sa kanilang tax obligations ang mga SMI at iba pang gumagamit ng social media.



WATER CHALLENGE FORUM SERIES 2021
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento