Philippines news
Sub-lineage ng Delta variant ‘di pa natutukoy sa Pinas

Manila – Wala pa ring nadedetect na sub-lineage ng Delta variant dito sa ating bansa base sa huling sequencing, pahayag ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa virtual media forum ng Department of Health.
Aniya, sa ngayon ay masusi pa ring pinag-aaralan ng mga eksperto sa buong mundo ang Delta plus sub variant o ang AY.4.2 variant.
Ito ay inuri ng World Health Organization bilang variant under monitoring.
May mga lumabas aniyang naunang artikulo na sinasabi na ang sub lineage ng Delta variant na AY.4.2 ay mas transmissible o mas nakakahawa ng 10 hanggang 15 percent keysa sa orihinal na Delta variant.
“Pero hindi po natin yan pwede munang gamitin dahil hindi pa kumpleto ang lahat ng ebidensya, so..pinag-aaralan pa natin lahat yan” ani Vergeire
“Ang sinasabi po nanitong Delta variant na ito dahil naging masyadong mataas ang transmissibility at nakaapekto ng malaking portion ng population sa buong mundo kaya nagkaroon ng capability to mutate” dagdag pa ni Vergeire.
Katunayan ang mga sub lineages o mutation ng Delta variant ay umabot na sa higit 90.
Mula aniya ito sa AY.1 hanggang AY.95 dahil sa kanyang mutations.
Lahat aniya ng magiging epekto nito at transmisyon ay pinag-aaralan lahat pati sa mga bakuna. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)
Sub-lineage ng Delta variant ‘di pa natutukoy sa Pinas
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
Sub-lineage ng Delta variant ‘di pa natutukoy sa Pinas
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento