may sweet message sa kanyang mag-ina!
McCoy, may sweet message sa kanyang mag-ina!

Manila, Philipines – Kamakailan lang ay inanunsyo na nga sa publiko nina McCoy de Leon at Elisse Joson ang kanilang pagkakaroon ng baby girl.
Napagdesisyunan ng dalawa na isiwalat ito sa PBB kung saan nabuo ang kanilang pagmamahalan.
Samu’t saring positive reaction ang nakuha nila sa netizens kaya naman ang McLisse, hindi na mapigilang magbahagi ng kanilang journey sa kanilang social media accounts, mapa-IG man o YouTube.
Kaya naman sa latest IG post ni McCoy, nag-uumapaw ang pag-express nito ng pagmamahal sa kanyang mag-ina.
“Hindi man ako perpekto bilang ama o asawa, pero gagawin kong perpekto ang pagmamahal ko para sa inyo,” bahagi ng long caption ni Mccoy na may larawan nilang tatlo bilang isang pamilya.
Naku. Mukhang susunod-sunurin ng McLisse ang pagpapakilig sa netizens. Isang tambak rin ngayon ang kanilang mga video clips sa PBB house na nagte-trend sa Tiktok.
Ang saya talaga kapag wala ka nang tinatago. Pwede mo ipagsigawan sa buong mundo ang feelings mo! Paula Jonabelle Ignacio
McCoy, may sweet message sa kanyang mag-ina!
Source: Filipino Pinoys
may sweet message sa kanyang mag-ina!
McCoy
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento