Drug testing sa 2022 poll candidates hirit ni Tulfo sa Comelec

MANILA, Philippines – Ilang buwan bago sumapit ang nakatakdang eleksyon sa susunod na taon, kabi-kabilang suhestyon na ang lumalabas kung paano mas mapabubuti ang proseso ng pagtakbo ng mga kandidato.

Maliban sa usapin ng substitution sa mga kandidato, inihihirit rin ng Senatorial aspirant at broadcaster na si Raffy Tulfo sa Commission on Elections (Comelec) na magsagawa ng drug testing sa lahat ng mga kandidato sa alinmang pwesto sa gobyerno.

Dagdag pa ni Tulfo, imbes na sa pamamagitan ng urine sample, buhok sa katawan ang kailangang gamitin para rito.

Kung sa tingin ng publiko ay bago ang suhestyong ito, kung babalikan noong 2018 ay naging maugong na rin ang usapin ng mandatory drug test sa mga electoral candidates.

Matatandaang sa nasabing taon, ilang buwan bago ang nakatakdang 2019 Elections ay sinalag ng Comelec ang hirit naman ng Liga ng mga Barangay na magkaroon ng mandatory drug testing sa lahat ng local government officials.

Ayon sa Comelec, ito ay unconstitutional at wala sa batas ang mandatory drug testing kung kaya’t hindi maaaring maglagay ang Comelec ng bagong kautusan patungkol rito. RNT



Drug testing sa 2022 poll candidates hirit ni Tulfo sa Comelec
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento