Philippines news
Pinoy overseas pinahahabol ng Comelec sa pinalawig na voter registration

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng Commission on Elections ang mga kuwalipikadong Filipino na kasalukuyang nasa ibang bansa o nataon na nasa ibang bansa sa araw na halalan na humabol nang magparehistro.
Ayon sa Comelec, samantalahin ang overseas extended voter registration na matatapos na bukas, Oct 14.
Ang overseas voter registration ay dapat sanang hanggang Sept .30 lamang ngunit pinalawig ito mula Oct.1 hanggang 14 s lahat ng Philippine Embassies at Consulates sa buong bansa.
Maaari ring magparehistro sa Manila Economic and Cultural Offices ( MECOs) sa Taiwan.
Ang araw at oras ng voter registration ay kasunod ng operational schedule ng Foreign Service Posts.
Pinayuhan naman ng Comelec ang mg registrants na itsek ang oras ng opertion ng bawat opisina bago magtungo upang magparehistro. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)
Pinoy overseas pinahahabol ng Comelec sa pinalawig na voter registration
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy overseas pinahahabol ng Comelec sa pinalawig na voter registration
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento