PANAWAGAN NG NWRB, MAG-INGAT SA “MALICIOUS TAGGING” SA FACEBOOK

KASAMA sa malicious tagging ang pagbanggit sa Facebook ng pahayag ni Dr. Sevillo David, Jr. Executive Director ng National Water Resources Board (NWRB) sa Department of Information and Communications Technology (DICT) ukol sa insidente na kinasasangkutan nito. 

Ayon kay Executive Director David, “Para sa DICT, nais kong pasalamatan at pagpahalagahan naming nakasama ang sektor ng tubig. Sa tingin ko, magandang diskusyon ito at nasa tamang tiyempo. Hindi na namin kinakailangang maghintay kung kailan papasukan ng mga scammer at  pag-usapan kung papaano protektahan ang ating imprastraktura ng tubig at lahat ng sektor ng tubig sa pangkalahatan.”

Nagbigay ng babala ang DICT Cybersecurity Bureau sa NWRB at sa publiko na manatiling mapagmatyag at obserbahan ang mga sumusunod:

PAPAANO GINAGAWA ANG 𝗦𝗖𝗔𝗠:

• Makatatanggap ka ng isang notification sa Facebook na may nag-tag sa iyo sa isang post.

• Lumilitaw na ito ay isang link para sa nasa hustong gulang / for adult ” ang video, at may isang dosenang kasama rin sa-tag din na gumagamit ng Facebook.

• Sa pag-click ninyo sa link, may lilitaw na isang window na nagsasabing kinakailangan mong mag-download at i-update ang inyong Flash Player bago mo mapanood ang video.

 Kung sakali sinunod ninyo ang pag-download ng file, saka lang ninyo malalaman na hindi talaga isang pag-update. Ito ay isang malware.

Kung sakali nabuksan na ninyo ang link, maaari na nilang manakaw ang inyong ID sa pamamagitan ng pag-scan ng inyong personal na impormasyon at pati na rin kung anong nilalaman ng inyong bangko.

Ipagpapatuloy ng malware ang kanilang scam. Sila na ngayon ang gumagamit sa inyong Facebook account, lilikha ng isa pang pekeng video post at awtomatikong ita-tag ang iyong mga kaibigan

 

PAPAANO PROTEKTAHAN ANG INYONG SARILI SA 𝗦𝗢𝗖𝗜𝗔𝗟 𝗠𝗘𝗗𝗜𝗔 𝗦𝗖𝗔𝗠𝗦:

 1.      Huwag magpaakit sa scam. Manatiling malayo o huwag pansinin ang mga promosyon naglalagay ng “eksklusibo,” “nakagugulat” o “kahindik-hindik” na kuha. Kung sa tingin ninyo walang katotohanan ang kanilang inaalok, marahil ito ay isang scam.

 

2.      Mag-ingat sa mga pinaikling link. Ginagawa ng mga scammer, pinapaikli ang link ng mga serbisyo upang hindi mahalata na ito ay isang malicious link. Huwag maging biktima, kung hindi mo sigurado o kilala ang nagpadala ng link, huwag mag-click.

3.      Huwag magtiwala sa panlasa ng iyong mga kaibigan sa online. Maaaring hindi talaga sila ang nag – LIKE o bahagi ng mga scam link gamit ang kanilang larawan. Ang kanilang account ay maaaring na-hack o nakompromiso ng malware.

4.      I-report agad ang mga scam post at iba pang kahina-hinalang aktibidad sa pamamagitan ng pagsunod sa mga tagubilin dito: https://ift.tt/RDmu6gT



PANAWAGAN NG NWRB, MAG-INGAT SA “MALICIOUS TAGGING” SA FACEBOOK
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento