Manila, Philippines – Binabalak ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na bigyan ng insentibo ang mga bakunadong indibidwal laban COVID-19.

Ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., iminungkahi ng ilang pribadong sektor ang mga sumusunod:

  • Payagan ang mga kumpanya na tumanggap ng unvaccinated applicants

  • I-require ang RT-PCR tests sa unvaccinated existing employees

  • Mandatory vaccines sa healthcare workers, school employees, public transport workers, civil servants, at 4Ps

  • Mandatory vaccinations sa unrestricted access sa public transport, travel, restaurants, at tourism establishments

“Ibig sabihin ‘pag nag-vaccinate, sila lang puwedeng lumabas, sila lang puwedeng mag-dine in at puwede rin pong mag-travel at tsaka walang restrictions,” saad ni Galvez.

“‘Yong mga vaccination mandates, meaning, it will entice most of our unvaccinated to be vaccinated.” RNT/FGDC



Insentibo sa mga bakunadong indibidwal pinag-aaralan ng IATF
Source: Filipino Pinoys