DOT sa publiko: Maging responsableng turista  

Manila, Philippines – Inabisuhan ng Department of Tourism (DOT) ang publiko na mas maging responsableng turista sa pagpapatupad ng mga restriksyon para sa pagaba ng kaso ng COVID.

Sa panayam ng GMA News’ sinabi ni Unang Balita, DOT Assistant Secretary Woodrow Maquiling Jr. na mas naging conscious ang mga turista sa minimum public health standards.

“We have to be responsible tourists kahit dito sa sariling bayan natin [even in our own country]. We have to be more responsible sa paglabas natin at mas conscious tayo [when going out and to be more conscious],” saad pa nito.

Pahayag ito ni Maquiling makaraang dumami ang bilang ng mga pumapasyal sa tourist sports sa bansa.

Dapat aniya sundin ng publiko ang mga panuntunan upang hindi na lumobo pa ang kaso ng COVID.   RNT/FGDC



DOT sa publiko: Maging responsableng turista  
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento