Philippines news
Tulong ng ACT-CIS pinalawig

Manila, Philippines-Hindi lang sumbong o reklamo at pagbibigay ng mga gamot at pagpapagamot ang ayuda ng ACT CIS Partylist sa mga inaapi sa mahihirap na mga kababayan kundi pati na rin ang pag-reunite ng mga pamilya.
Ayon kay ACT CIS Nominee Edvic Yap, “nito lamang Biyernes isang lola sa Cavite at ang kanyang anak na babae sa Cebu, pinagtagpo namin after 30 years na pagkawalay.”
“Walang pera pareho kaya kami na ang gumawa ng paraan para mapagtagpo silang muli”, ani Yap.
“Ilang liham pa ang natanggap namin hinggil sa wish ng ilang pamilya na mabuo silang muli pero siyempre inuuna namin ‘yung mga senior citizen na wala nang nag-aalaga sa kanila pero may mga anak ngunit malayo naman,” dagdag pa ni Yap.
Dagdag pa ng ACT CIS Nominee, bukas ang kanilang tanggapan mula Lunes hanggang Biyernes, 3-4 p.m. at ito ay matatagpuan sa 58 Timog Avenue, Quezon City. RNT
Tulong ng ACT-CIS pinalawig
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
Tulong ng ACT-CIS pinalawig
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento