Philippines news
Pro-BBM emergency alert, talupan – Makabayan

MANILA, Philippines – Nagkasa ng isang resolusyon ang Makabayan upang imbestigahan ng Committee on Information and Technology ang umano’y paggamit sa emergency text alerts system sa kampanya.
Ang Makabayan bloc ay binubuo ng mga kinatawan mula sa Bayan Muna, Gabriela, ACT Teachers at Kabataan Party Lists.
Tinukoy ng mga kongresista ang nakasaad sa Republic Act No. 10639, o mas kilala bilang “The Free Mobile Disaster Alerts Act,” na ang emergency text alert system ay maaaring na- hijacked kung ito ay nagamit sa kampanya para sa presidential campaign ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang anak ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr., nitong Miyerkules lamang, October 6.
Batay sa Section 4 ng RA No. 10639 ang mga mobile phone service providers ay inaatasang magpakalat ng warning kung may paparating na bagyo, tsunami o anumang kalamidad.
Kasama sa alert na ipinadadala sa mga subscriber ang pinakahuling impormasyon o babala na malapit sa mga apektadong lugar.
Nakasaad din sa babala ang mga telepono ng ahensyang maaaring tawagan at dapat na rumesponde kungaglakaroon ng evacuation at rescue operations.
Ang kumalat na “emergency alerts”, ay naglalaman ng impormasyon ukol sa paghahain ng kandidatura ni Bongbong Marcos sa Commission on Election (COMELEC).
Hinihingan ng paliwanag ng Makabayan Bloc ang kampo ni Marcos sa sinasabing paggamit ng emergency alert system.
Ang pammaraang ganito ayon pa sa grupo ay may layuning lituhin o dayain ang publiko na karapatdapat lamang umanong kondenahin.
“The National Telecommunications Commission and the Comelec should immediately investigate how this apparent pro-Marcos campaign has hijacked the emergency alerts frequency or used illegal communication sites, Congress should likewise probe the same to further strengthen Republic Act No. 10639, including possible penalties for using the system for misleading or false messages or for the illegal use of other communications sites and misrepresenting its message as that of the emergency alert system, among others. Clearly, this dubious scheme casts serious doubt on the integrity of the system, which people are supposed to rely on for life-saving information,” ayon pa rin sa pahayag ng Makabayan bloc. Meliza Maluntag
Pro-BBM emergency alert, talupan – Makabayan
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
Pro-BBM emergency alert
showbiz
sports
talupan – Makabayan
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento