Lorenzana sa mga sundalo: Manatiling non-partisan sa 2022 polls

Manila, Philippines – Nagpaalala si Defense Secretary Delfin Lorenzana sa mga sundalo na manatiling neutral lalo pa sa parating na eleksyon sa May 2022.

Ayon kay Lorenzana, dapat ma-isolate ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa  partisan politics upang matuon ang kanilang atensyon sa pagprotekta sa publiko.

“Soldiers are not allowed to campaign for anybody. This is wrong,” saad nito.

 “Let us maintain the professionalism of the AFP.”

 Maaalalang nagwakas na ang paghahain ng COC kahapon, Oktubre 8. RNT/FGDC



Lorenzana sa mga sundalo: Manatiling non-partisan sa 2022 polls
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento