Choco Mucho pinapak ang Rebisco

MANILA, Phillippines – Hinaliman nina Kalei Mau at MJ Phillips ang laro para sa Choco Mucho nang papakin ang Rebisco, 22-25, 25-17, 25-19, 25-17, sa All-Filipina game sa Asian Women’s Club Volleyball Championship na idinaraos sa Terminal 21 competition hall sa Nakhon Ratchasima, Thailand.,

Ang pagiging ganado ni Phillips ang nag-angat sa Choco Mucho para sa opening set, katuwang si Mau upang manaig sa mas batang team ng Pilipinas sa huling tatlong sets at tuluyang makuha ang unang pagwawagi sa torneo.

Ang panalong iyon ang maghahatid sa Choco Mucho para sa bakbakan sa fifth place laban sa Zhetysu ng Kazakhstan habang inilagay nila ang Rebisco team sa huling standings mula sa limang talong laro.JC



Choco Mucho pinapak ang Rebisco
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento