AJ
AJ, tinawag na ‘traydor’?

Manila, Philippines – Bagama’t siya ang nakipaghiwalay kay AJ Raval, mukhang dinaramdam nang labis ni Axel Torres ang pagkakaroon ng kanyang ex ng bagong ‘boyfriend’ mga dalawang buwan lang pagkahiwalay nila.
Naglabas si Axel ng serye ng mga post sa Instagram Stories n’ya na itinuturing ng netizens na isang paghihiganti sa ex-girlfriend na kay daling nakalimot sa kanya.
Ang una n’yang inilabas ay ang lyrics ng kantang “Numb” na sa Tagalog ay “manhid.” Kanta ito ni Christian Gates. Heto ang lyrics na sinipi ni Axel: “Right now, i’m standing here with nobody to love and my ex is probably out having fun, hooking up with the person that she told me not to worry about but it’s alright.”
Hindi pa siya nakuntento sa post n’yang ‘yon, kaya after a few hours ay naglabas naman siya ng series of pictures mismo ni AJ bagama’t tinakpan n’ya ang mukha nito.
Pero ayon sa ilang netizens, hindi mapagkakailang ang sexy actress iyon dahil sa tattoo nito sa dibdib.
“Traitor” ang paglalarawan ni Axel kay AJ.
Idinaan ni Axel sa mapait na lyrics ng kanta ni Olivia Rodrigo ang paghihinagpis ng puso niya na makitang may kasama nang iba si AJ. “Traitor” ang titulo ng kanta.
Sunud-sunod ang Instagram Stories ni Axel kung saan makikita ang mga litrato ni AJ na kuha sa special occasions nila noon bilang magkasintahan.
Heto ang lyrics ng kanta: “You’d talk to her / When we were together / Loved you at your worst / But that didn’t matter / It took you two weeks / To go off and date her / Guess you didn’t cheat / But you’re still a traitor / Now you bring her around / Just to shut me down / Show her off like she’s a new trophy / And I know if you were true / There’s no damn way that you / Could fall in love with somebody that quickly.”
Samantala, ang Instagram Stories ay nawawala rin at hindi na makikita ng publiko matapos ang 24 hours. May kumpletong screenshots ng mga larawan ni AJ sa report ng entertainment website na PEP.ph.
Hindi isang istranghero sa showbiz si Axel. Naging contestant siya sa “Pinoy Big Brother: All In” sa ABS-CBN. Dalawang taon din silang nagkarelasyon ni AJ nu”ng ‘di pa artista ang anak na ito ng dating action star na si Jeric Raval.
Si Axel ang nakipag-break kay AJ dahil ‘di na raw nito matanggap ang sexy scenes nilg ex sa mga pelikula nito sa Viva Films.
Si Aljur Abrenica na ang karelasyon ni AJ kahit na sinasabi ng huli na nanliligaw pa lang ang aktor na iniwan ng misis n’yang si Kylie Padilla dahil sa pagtataksil. Danny Vibas
AJ, tinawag na ‘traydor’?
Source: Filipino Pinoys
AJ
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
tinawag na ‘traydor’?
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento