naghahanda na sa paghahain ng COC ni PDu30
PSG, naghahanda na sa paghahain ng COC ni PDu30

MANILA, Philippines – Naghahanda na ang Presidential Security Group (PSG) para tiyakin ang kaligtasan at seguridad ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa posibleng paghahain nito ng certificate of candidacy (COC) mula Oktubre 1 hanggang 8.
Sinabi ni Presidential Security Group (PSG) Chief Col. Randolph Cabangbang, wala pa silang natatanggap na anumang abiso sa magiging aktibidad ni Pangulong Duterte para sa susunod na mga araw subalit nakahanda sila sa lahat ng mga kaganapan.
“Wala pa kaming abiso what activities he will be doing kasi hindi lang naman kami ang nagde-decide nun . We have a core group that will plan on this and pagka natuloy yung mga lakad niya , the security aspect is what we are concerned about. Most of the activities are being orchestrated by the EMC (Events Management Cluster) of the Office of the President,” ayon kay Cabangbang sa isang panayam.
Ang mga kandidato para sa May 2022 national elections ay papayagan na mayroong isang kasama sa paghahain ng kanilang COCs, ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez.
Gayunman, sinabi ni Cabangbang, na ang kahalintulad na panuntunan ay hindi maaaring i-aplay kay Pangulong Duterte sakali’t ituloy nito ang kanyag paghahain ng COC.
“Remember, if he will file as an aspirant, he is still the President. So yung mandato po ng pagse-secure sa Presidente is only being given to the PSG. The Comelec cannot say na sila na ang magse-secure sa Presidente,” dagdag na pahayag nito.
Binigyang diin ni Cabangbang ang pangangailangan ng pagpa-plano ilang buwan bago pa ang araw na may nakatakdang gawin ang Pangulo.
“Naga-anticipate lang tayo kasi hindi naman pupuwede kasi na pag sinabi niya (Duterte) may gagawin siya, saka lang tayo magpa-plan ,” aniya pa rin.
Samantala, sinabi ni Cabangbang na patuloy na pino-protektahan ng PSG si Pangulong Duterte mula sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa pamamagitan ng regular na pagsasagawa ng testing sa kanilang mga tauhan at pag-obserba sa minimum public health standards.
“The situation has improved nakikita naman natin but we still maintain, yung basic na physical distancing, double mask, face shield. We are also trying to ensure na pag sa mga engagement lahat po ng nakapalibot sa Presidente ay sumusunod. Of course, yung mga antigen saka RT-PCR sa lahat po ng lalapit sa Presidente,” anito. Kris Jose
PSG, naghahanda na sa paghahain ng COC ni PDu30
Source: Filipino Pinoys
naghahanda na sa paghahain ng COC ni PDu30
Philippines news
Pinoy Trending
politics
PSG
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento