“Whoever has an abortion kills” – Pope Francis

MANILA, Philippines – Ang abortion ay isang ‘murder’ ayon kay Pope Francis at sinabi na dapat iwasan ng Simbahan ang paninindigan sa politika.

Ang pahayag ng Santo Papa ay kaugnay sa mungkahi ng mga Obispo sa US na tanggihan ang sagradong ritwal sa mga pulitiko na sumusuporta sa karapatan sa pagpapalaglag – isang pangkat na kasama si US President Joe Biden.

“Abortion… is more than a problem, it is murder. Whoever has an abortion kills,” sinabi ni Pope Francis nang bumisita ito sa  Slovakia.

“Scientifically it is a human life. Is it right to end it to solve a problem?  That is why the Church is so hard on this issue, because if it accepts this, it is as if it accepts daily murder,” pahayag pa ng pontiff .

Kaugnay naman sa panawagan na tanggihan ang holy communion, sinabi ng Santo Papa na ang problema ay hindi teolohiko, ito ay pastoral, kung paano  pinamamahalaan ang prinsipyong ito nang pastor.

Sinabi pa ni Pope Francis na kung titignan ang kasaysayan ng Dimbahan, makikita na sa tuwing ang mga Obispo ay hindi namamahala ng isang problema bilang mga pastor, sila ay kumakampi sa mga pulitiko.

“What must the pastor do? Be a pastor, don’t go condemning. But also a pastor for the excommunicated? Yes, he is a pastor and must be a pastor with him, be a pastor in God’s style… (which) is closeness, compassion and tenderness.”dagdag ni Pope Francis.

Sinabi ni Biden na personal niyang tinututulan ang pagpapalaglag ngunit, tulad ng karamihan sa kanyang Demokratikong Partido, sinusuportahan ang karapatang pumili na pinagbigyan  sa isang desisyon ng Korte Suprema noong 1973 na nananatiling malalim na naghiwalay sa politika ng US. Jocelyn Tabangcura-Domenden



“Whoever has an abortion kills” – Pope Francis
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento