ICU beds sa buong bansa 77% nang okupado

Manila, Philippines – Umabot na sa 77% ang okupadong intensive care unit bed sa buong bansa habang nananatili sa high risk ang National Capital Region (NCR), batay sa Department of Health (DOH).

Sa latest bulletin, nasa 77% ng kabuuang 4,300 ICU bed sa bansa ang okupado habang 79% ng 1,500 bed sa NCR ang ginagamit.

Samantala, maging ang ward bed ng bansa ay nasa high risk din.

Makikita sa datos na nasa 73% ng 15,900 ward bed sa Pinas ang ginagamit habang 74% ng 4,400 ward bed sa NCR ang okupado.

Maging ang  isolation bed sa buong bansa ay nasa high risk na may 68% kabuuan ng 20,800 beds na gunagamit habang okupado ang nasa 64% ng 4,500 isolation bed sa NCR. RNT/FGDC



ICU beds sa buong bansa 77% nang okupado
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento