Bumisitang asymptomatic itinanggi ng QC orphanage

Manila – MARIIN na pinabulaanan ng pamunuan ng Gentle Hands Orphanage sa Barangay Bagumbuhay, Quezon City, na may COVID-19 positive ang nakapasok sa kanilang pasilidad o bumisita sanhi  upang mahawaan ang mahigit isandaang indibiwal, kabilang ang 99 na mga bata.

Ito ang siyang naging  pahayag ni Gentle Hands Inc. Executive Director Charity Graff  na matagal na silang hindi tumatanggap ng bisita dahil batid nilang may mga bata ang madaling dapuan ng sakit.

“It is not true that an asymptomatic visitor spread the virus because we have not received any visitors at all, due to the fact that some of the children are immunocompromised and we have prohibited non-members of the staff from going inside the facility,” saad ni Graff, sa inilabas nilang  statement.

Bagamat marami rin aniya ang nagpositibo sa kanilang pasilidad, patuloy pa ring inaalam kung saan nanggaling ang virus.

Tiniyak din ni Graff na walang bata ang nakararanas ng respiratory distress o seryosong problema sa baga.

Iginiit pa niyang ayaw nilang kumalat ang mga maling impormasyon at gusto nilang ipabatid na sumusunod sila sa health and safety protocols, at sa katunayan, 540 days na aniya silang naka-quarantine

“While it is true that several individuals have tested positive in our facility, the source of the infection is still being traced,” dagdag pa ni Graff

Wala rin aniyang labas masok sa pasilidad bago ang bakunahan sa kanilang mga tauhan noong Agosto

Inamin din ni Graff na nag -usap sila ng Quezon City government na huwag nang isapubliko ang sitwasyon subalit dahil sa mga mali aniyang balita ay napilitan silang maglabas ng pahayag

Naunang inihayag ni  Dr. Rolando Cruz, ng  Quezon City Epidemioloty and Surveillance Unit (CESU) chief, ang nagsabing isang asymptomatic ang pumasok sa orphanage na maaring nagdala ng virus subalit bandang huli ay binago niya ang kanayang pahayag.

Sa ikalawang press release na inilabas ng Quezon City Government sinabi ni Cruz na tatlo sa mga male staff ng nabanggit na ophanage ang lumabas noong August 13 para magpabakuna ng first dose at makalipas umano ang anim na araw isang bata ang nakaramdam ng sintomas na posibleng nagresulta ng hawaan. Jan Sinocruz



Bumisitang asymptomatic itinanggi ng QC orphanage
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento