9 naaktuhang naglalako ng ’tobats’ arestado sa Bulacan buy-bust

BULACAN – Arestado ang siyam na indibiduwal habang naaktuhang naglalako ng iligal na droga sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa lalawigang ito.

Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Maximo Manes Jr, MannyVillavicencio, Denmark Inovero, Roel Trinidad, Andy Dela Cruz, Felipe Aguirre, Juliet Fernandez, Jonathan Jallorina at Fernando Ramos.

Sa report, naaresto ang mga suspek nitong Setyembre 10 sa buy-bust operation ng San Jose Del Monte, San Miguel, Santa Maria at Hagonoy police station.

Sinasabing ang mga naarestong sina Manes, Inovero, Trinidad at Ramos ay kabilang sa PDEA-PNP drug watch list.

Nakumpiska sa operasyon ang kabuuang 25 heat-sealed sachets na pinaghihinalaang shabu at buy-bust money.

Nahaharap sa kaukulang kaso ang mga naarestong suspek. Dick Mirasol III



9 naaktuhang naglalako ng ’tobats’ arestado sa Bulacan buy-bust
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento