PRRD, VP Leni bumati sa 7th anniv ng Target on Air ni Ka Rex Cayanong

IPAGDIRIWANG sa Martes, Setyembre 7, ang ika-pitong anibersaryo ng programang “TARGET ON AIR” ni KA REX CAYANONG.

Ang “Target on Air” ay isang public service program sa radyo na tumatalakay sa iba’t ibang isyung panlipunan, tumutulong sa mga nangangailangan, at pinupuntirya ang mga tiwali sa bayan.

Nagsimula ang programa ni Ka Rex sa DWAD (1098 AM) na pinatatakbo ng Crusaders Broadcasting System.

Kasabay ng paglago ng “Target on Air” sa himpapawid ay lumipat ito sa bago nitong tahanan, ang DZME 1530 ng Capitol Broadcasting Center.

“Ang ating programa sa radyo ay nagbibigay ng iba’t ibang pananaw at boses na kinakailangan upang matugunan ang mga hamon na hinaharap nating lahat ngayong panahon ng pandemya,” wika ni Cayanong, isang batikang broadcast journalist.

Kung dati ay sa ere lang napakikinggan si Ka Rex, dahil sa pamamayagpag ng internet ay mapapanood na rin ang kanyang programang “Target on Air” sa social media platforms tulad ng Facebook at Youtube dahilan upang maabot nito ang pinakamalawak na mga tagapakinig sa mundo.

“Layunin natin na maabot ang milyon-milyong mga kababayan natin sa buong mundo na walang access sa  radyo o airwaves sa mga panahon ito dahil sa layo ng kanilang lokasyon,” dagdag pa ng beteranong mamamahayag.

Samantala, isang araw bago ang anibersaryo ng kanyang programa ay inulan ng kaliwa’t kanang pagbati si Ka Rex sa pangunguna nina Pangulong Rodrigo Duterte, Vice President Leni Robredo, ilang senador, kongresista, at marami pang iba. RNT



PRRD, VP Leni bumati sa 7th anniv ng Target on Air ni Ka Rex Cayanong
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento