Nagsisukong CPP-NPA-NDF: Komunistang teroristang grupo pabagsak na
Nagsisukong CPP-NPA-NDF: Komunistang teroristang grupo pabagsak na

Manila, Philippines-Tahasang ibinunyag kahapon ni Major Gen. Ernesto Torres Jr., commander ng Philippine Army, 10th Infantry “Agila” Division (10ID), na nalalapit na ang oras ng pagtatapos ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army, National Democratic Front.
Sa isang ‘virtual’ na balitaan nitong Martes sa Davao de Oro, sinabi ni Torres na pagpapatunay nito ang malaking bilang ng mga nagsisukong lider ng NPA sa kanilang area, matapos nilang igupo ang guerilla fronts ng komunistang-terorista sa rehiyon.
“I think it’s just a matter of time and we hope that it would be soon, sooner rather than later. That is how it looks like in the area of Agila Division and I would suppose it is also happening throughout the Philippines,” ang sabi ng opisyal.
Ayon kay Torres, makikita ito sa kanilang datos mula nang simulan nila ang kampanya laban sa mga CPP-NPA-NDF noong 2016 hanggang sa taon kasalukuyan (2021).
Sa ngayon aniya ay may anim na “active guerilla fronts” na lang sa kanilang nasasakupan kumpara sa 17 GF noong 2016. At sa anim na aktibong GF na ito, tatlo ang mga “weakened” na o mahihina na — ang GF 18, GF 2, at GF 3 samantalang ang tatlong natitira pa ay binubuhusan na nila ng matintinding “combat operations.”
Dagdag pa ng opisyal nabawasan na rin ang mga armas ng NPA at maging mga tauhan nito. Kung noong 2016 ay may 1,150 armas ang mga ito ngayon ay nasa 300 na lamang, at magmula sa 900 tauhan nasa 270 na lang ito sa loob ng limang taon na nagdaan.
Isa sa magandang indikasyon aniya na humihina na ang CPP-NPA-NDF ay ang bilang ng mga barangay na pineste ng mga komunistang-terorista, na naging labing-dalawa na lang ngayong taon (2021) mula 193 mga barangay noong 2016.
Kasabay ng pahayag ni Torres ay ang pagprisinta nila sa 12 ring matataas na lider ng NPA na sumuko na.
“Gusto kong magbagong buhay na, kasi nakita ko naman ang malaking kaibahan sa gobyerno ngayon,” ito ang sinabi ng dating senior NPA leader na si Eddie Genelsa alias “Lando Pahak,” “Brad,” at “Jimbo,” na dati rin ‘political consultant’ ng NDF at vice commanding officer ng Regional Operations Committee, ng Southern Mindanao Regional Committee ng NPA.
Ibinahagi ni Genelsa na sumanib siya sa samahan noon pang January 1979 kung saan nahawakan na rin niya ang iba’t ibang posisyon sa CPP-NPA at noong 2016, nahuli siya ng mga pulis ngnit matapos ang dalawang buwan lamang ay nakalaya siya dahil isinali siya sa usapang pangkapayapaan na gagawin sa Netherlands at Norway bilang consultant ng NDF. Noon namang Pebrero ng 2017, muli siyang namundok pagtapos ng ‘di matagumpay na peace talks.
Matapos ang 41 taon, ang sabi ni Genelsa ay nagdesisyon na siyang bumaba ng bundok at sumuko sa militar noong December 2020 upang makasamang muli ang kanyang pamilya.
Isa rin sa mga nagsisuko ang 28 anyos na si Arianne Jane Ramos, alias Ka Marikit, na sumuko lang nitong Aug. 1, 2021, dahil sa tindi ng bakbakan na kanyang naranasan sa pagitan nila at ng militar.
Sabi ni Ramos, bago ang kanyang pagsuko, habol-habol sila ng tropa ng 1003rd Infantry Brigade sa loob ng tatlong buwan na nagresulta ng pagkamatay ng kanyang partner na si Rommel Tausan, ang NPA commanding officer.
Samantala, si Christian Pastor alias “Khan” na dating commanding officer ng NPA-GF 33 sa Southern Regional Command (SRC), SMRC sa Davao De Oro ay sumuko naman noong December 2020 dahil hindi na niya maramdaman ang suporta ng mga tao sa kanilang armadong pakikibaka.
Ang iba pang dating NPA lider na sumuko at prinisenta ay sina Joy James Saguino alias “Amihan,” deputy secretary NPA-GF 20; Kurt Russel Sosa alias “Ugnay,” secretary ng GF34 at GF3; Daniel Castillo alias “Ka Steven,” political instructor ng GF 55, at ang kanyang ina na si Paulette Castillo alias “Ella,” regional coordinator ng Rural Missionaries of the Philippines; Roberto Rosete Jr. alias “Bobby,” commanding officer ng Pulang Bagani Command; Pedro Arnado alias “Benoy,” regional chairperson ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas; Ivan Cael alias “Mackoy,” secretary ng SRC3, SMRC; Noel Legazpi, deputy secretary ng NPA Far South Mindanao Region; at Rorilyn Bay-ao, isang indigenous people at lider ng bakwit school na Haran. RNT
Nagsisukong CPP-NPA-NDF: Komunistang teroristang grupo pabagsak na
Source: Filipino Pinoys
Nagsisukong CPP-NPA-NDF: Komunistang teroristang grupo pabagsak na
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento