Marawi compensation bill
Marawi compensation bill, pasado na sa Kamara

Manila, Philippines – Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 9925 o ang Marawi Compensation Act.
Sa botong 197 na pabor at walang tutol ay agarang inaprubahan ng mga mambabatas ang naturang panukala na nagsusulong upang mabayaran sa pamamagitan ng Task Force Marawi ang mga taga-Marawi na nawalan ng tahanan at naapektuhan ng kubkubin ito ng mga rebelde noong 2017.
Agad na sinabi ni House Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman na pat na taon na ang nakararaan nang dapat naipagkaloob sa mga biktima ang kompensasyong hinihingi ng mga ito upang makabangon at makapagsimulang muli.
“Ang tunay na Marawi ay hindi ang mga gusali, paaralan, palengke o parke na itinatayo ngayon, kundi ang mga mamamayan nito. They are truly the beating heart of Marawi. Hangga’t hindi sila natutulungan at makabalik ng may dignidad sa kanilang mga tirahan, hindi makakabangon ang tunay na Marawi,” ani Hataman.
Agad ding pinasalamatan ng mambabatas, isa sa mga may-akda ng panukala ang mga kasamahang kongresista dahil naramdaman ng mga ito ang kahalagahan na matulungan ang mga taga-Marawi na pilit na bumabangon matapos ang naturang giyera na ikinasawi ng kani-kanilang kamag-anak, nawalan ng tahanan at kabuhayan.
“Isa itong malaking hakbang para sa isang panukala na magbibigay tulong sa mga taga-Marawi. Hindi man natin maibabalik ang mga nawala, sana ay mabigyan natin sila ng pag-asa para sa kinabukasan.”
Kinalampag din ng mambabatas ang mga senador dahil ang counterpart ng HB 9925 na Senate Bill 1395 ay patuloy na nakabinbin sa Senate Special Committee on the Marawi Rehabilitation.
“Nanawagan ako sa mga butihin nating mga senador na kung maaari ay balangkasin na rin nila ang panukalang ito. Hindi po biro ang apat na taong pagdurusa ng ating mga kababayan sa Marawi, kaya’t sana’y sa kanilang pagbabalik ay may dignidad silang babangon.”
Pinasalamatan din ni Hataman ang liderato ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Lord Allan Velasco, Majority Leader Martin Romualdez, Disaster Resilience Committee Chair Rep. Lucy Torres-Gomez at TWG chair Rep. Mohamad Khalid Dimaporo sa pagkaka-apruba ng panukala.
Nagpasalamat din si Anak Mindanao Rep. Amihilda Sangcopan sa liderato ng Kamara sa pagkakapasa ng panukala na matagal ng hinihintay aniya ng mga taga-Ranao.
Kasabay nito ay tiniyak niyang magpapatuloy ang kanilang pakikiusapan ang mga Senador hanggang sa aprubahan din ang bersyon ng Senado at ang panukala ay tuwiran ng maging ganap na batas dahil ito ay malaki ang paitutulong sa rehabilitasyon ng Marawi City.
“We are honored to have served our people in Marawi through working together for the passage of the Marawi Compensation Bill in the House of Representative. Ipagpatuloy po natin ang laban hanggang sa ito ay maging batas. Hilingin po natin sa ating mga butihinng senador na ikonsidera at nawa’y maipasa nila ang bersyon nila ng panukalang batas na ito,” dagdag pa ni Sangcopan na isa sa mga may-akda ng panukala. (meliza maluntag)
Marawi compensation bill, pasado na sa Kamara
Source: Filipino Pinoys
Marawi compensation bill
pasado na sa Kamara
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento