COVID swab testing ng Red Cros nagmura ng 25%
COVID swab testing ng Red Cros nagmura ng 25%

Manila, Philippines – Pinababa na ng Humanitarian organization Philippine Red Cross ang presyo ng kanilang saliva at RT-PCR tests ng hanggang 25% upang madagdagan ang testing capacity sa bansa.
Sinabi ni Red Cross Chairman and Senator Richard Gordon na bumaba ang swab test price mula P3,800 hanggang P2,800 habang ang saliva test ay nagmura mula P2,000 hanggang P1,500.
Aniya, ipatutupad ito sa pagsapit ng Setyembre 4.
Kasalukuyang nakapagsagawa ang bansa ng halos apat na milyong COVID testing simula Abril 2020 sa kanilang 13 molecular laboratory sa buong bansa. RNT/FGDC
COVID swab testing ng Red Cros nagmura ng 25%
Source: Filipino Pinoys
COVID swab testing ng Red Cros nagmura ng 25%
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento