Booster, vaccination sa pediatric population kailangan pang pag-aralan – DOH

Manila, Philippines – Kailangan pa ring pag-aralan  ang equity component ng mga bakuna bago ang pagtuturok ng booster shots at sa mga pediatric population.

Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire, hindi pa rin sapat ang bakuna para sa booster shots bukod sa patuloy pa rin itong pinag-aaralan ng mga all expert panel.

Ganundin aniya  pagdating sa pagbabakun sa mga kabataan na edad 12 hanggang 17.

Paliwanag ni Vergeire, kailangan may sapat at kumpletong ebidensya ang mga bakunang ginagamit sa bansa na hindi magdudulot ng peligro sa mga bata sa halip na ikabubuti.

Bagamat may dalawang tukoy na aniyang manufacturer na nabigyan na ng emergency use authorization ng Food and Drug Administration para maibigay sa mga kabataan, kailangan pa rin aniyang tignan ang equity component.

Kung titignan, maaring aabot sa 40 milyon ang kabataan edad 17 hanggang 0 ngunit kung titignan naman ang 12 hanggang 17 ay malaking porsyente pa rin sya ng populasyon.

Ito naman aniya ay pinag-uusapan at hindi isinasara ang pintuan para dito, mayroon na rin aniyang inisyal na rekomendasyon gaya ng sinabi ni Secretary Carlito Galvez na kapag sapat na ang suplay ng bakuna at masiguro na ang priority sectors ay mabibigyan na, maarinaniyang maikonsidera ang booster shots at vaccination para sa mga kabataan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)



Booster, vaccination sa pediatric population kailangan pang pag-aralan – DOH
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento