Bangkay ng babaeng walang saplot natagpuan sa Bulacan

BULACAN – Pahirapan pa rin na matukoy ang pagkakakilanlan at dahilan sa pagkamatay ng babaeng naagnas na at walang saplot pang-ibaba na natagpuan sa Brgy. Bambang, Bulakan.

Ayon sa impormasyon, ilang kaanak ni Vanessa Atiga, ang babaeng nawawala sa San Jose Del Monte ang nagpunta nitong gabi ng Sabado Setyembre 4 sa Bulakan police station para alamin ito.

Napag-alamang dahil gabi at madilim na sa sementeryo na pansamantalang pinaglagakan ng bangkay ay ipinagpaliban muna ito at hihintayin na lamang ang autopsy report.

Base sa sinabi ng ama ni Vanessa, ang kanyang anak ay may kidney problem kaya may bakal o “fistula” sa braso nito para sa kanyang dialysis.

Sa isang comment naman sa Facebook post ni Bulakan Mayor Vergel Meneses tungkol sa bangkay, isang nagngangalang Marielle ang nagbabakasakali na ito ang kanyang tiyahin na nawawala.

Aniya, ang kanyang tiyahin ay tatlong linggo nang nawawala sa Brgy. Bambang matapos siyang dalhin sa ospital sa naturang lugar.

Sinabi niyang may tahi sa tiyan ang kanyang tiyahing nawawala dahil na-caesarean na ito.

Sa report, nalamang nasa edad 35 hanggang 40 anyos at nakasuot ng printed shirt ang bangkay na natagpuan.

Hinihintay pa rin ng Bulakan police ang autopsy result ng naturang bangkay. Dick Mirasol III



Bangkay ng babaeng walang saplot natagpuan sa Bulacan
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento